FAQs

Anong mangyayari pagkatapos kong mag-sign up?

Narito kung paano:

  • Magsa-sign up ka
  • Titingnan namin ang details mo
  • Magkakaroon ka ng access sa property dashboard mo
  • Puwede mong i-update ang iyong calendar, presyo, at iba pa
  • Kapag handa ka na, i-set na ang property mo para maging live!

Pagkatapos mong ipa-rehistro ang iyong property, ire-review namin ang mga impormasyong ibinigay upang malaman kung naibigay ang lahat ng detalyeng kailangan. Kung maayos na ang lahat, matatanggap sa email ang iyong login details sa Extranet. Dito maaaring i-update ang availability at mga presyo. Pagkatapos nito, papadalhan ka ng direksyon kung paano mo ise-set ng live ang iyong property sa Booking.com.

Paalala: Kung nag-sign up ka ngunit hindi nakakuha ng tugon mula sa amin, huwag mag-alala. Kasulukuyang nire-review pa namin ang mga impormasyong ibinigay mo. Makikipag-ugnayan kami sa lalong madaling panahon.

Maaari ko bang i-update ang detalye ng aking registration sa mga susunod na araw?

Kapag nakapagparehistro ka na sa amin, maaari kang mag-update kahit kailan. Halimbawa, gusto mong magdagdag ng bagong pasilidad sa iyong property o maglagay ng mas maraming detalye tungkol sa iyong lokasyon, maaari mo itong gawin sa oras na iyong naisin.

Anong uri ng mga larawan ang kailangan kong i-upload?

Pagkatapos mong mag-sign up, maaari ka nang mag-upload ng larawan para sa iyong property. Mahilig tumingin ang mga guest ng larawan habang naghahanap ng accommodation kaya napakahalagang maglagay nito. Inirerekomenda naming mag-upload ng loob at labas na larawan ng iyong property. Hindi kinakailangan na kuha ito ng propesyunal na photographer, sapat na ang isang smartphone para maipakita sa iyong guest ang kagandahan ng iyong property.

Kailan ko makikitang online ang aking property?

Pagkatapos mag-sign up at masuri ang ibinigay na impormasyon, papadalhan ka sa email ng direkyson kung paano ise-set ng live ang iyong property sa Booking.com.

Ano ang matatanggap ko bilang kapalit ng komisyon na babayaran ko?

Malakas na online presence
Aktibo ang gagawing pag-market ng Booking.com sa iyong property sa mga search engine tulad ng Google, Yahoo, at Bing upang masiguradong maaabot mo ang pinakamalawak na bilang ng potential customers.
Innovative tools at features
Walang hinto ang pagpapaganda ng experts namin para gawing up-to-date ang aming website at mobile apps, kaya sigurado kang laging optimized ang page mo para sa mas maraming booking.
Instant confirmation
Confirmed agad ang lahat ng bookings na gagawin sa Booking.com kaya walang masyadong hassle para sa'yo.
Verified guest reviews
Isang dedicated team ang nakabantay sa mga guest reviews para tiyaking legitimate ang lahat ng ito. Pinapataas nito ang credibility mo at makakatulong sa pagdesisyon ng bisitang lumagi sa property mo.
24/7 Support
Handang tumulong sa'yo at sa mga bisita mo, ang 24 oras na support team namin ay available sa 41 wika.

Paano ko malalaman ang halaga ng komisyon na kailangang bayaran para sa mga reservation?

Kailangang magbigay ng komisyon sa bawat booking na makukuha kapag naidagdag na ang property sa Booking.com. Makikita ang porsiyento ng komisyon sa 'Agreement' na bahagi ng registration process. At sa bawat katapusan ng buwan, papadalhan ka namin ng invoice na naglalaman ng halaga ng komisyon na iyong babayaran.

Kailangan ko bang ikumpirma ang lahat ng aking booking?

Hindi mo kailangang ikumpirma ang alinman sa iyong booking. Kapag nag-book ang customer sa iyong property, agad itong maku-kumpirma online. Sa gayon, hindi mo na kailangang tingnan ang bawat request ng iyong posibleng bisita.

Anong mangyayari kapag kinansela ng bisita ang kanyang reservation?

Dalawang bagay ang maaaring mangyari kapag nag-cancel ang bisita ng kanyang reservation. Kung may free cancellation policy ang iyong property, walang babayaran ang bisita kahit i-cancel nya ang booking. Kung walang free cancellation policy ang iyong property, kailangang magbayad ng bisita ng cancellation fee, at mula rito kukunin ang komisyon na kailangan mong bayaran.

Paano magbabayad ang mga bisita para sa kanilang booking?

Babayaran ng bisita ang kanilang booking kapag dumating na sila sa inyong property. Patuloy pa rin kaming gumagawa ng mas maraming opsyon upang makatanggap ng kabayaran sa mga bisita. Sa gayon mas marami kang mapagpipilian sa oras na mag-sign up.

Paano kung nag-no show ang guest?

No show? No problem. Hindi mo kailangang magbayad ng commission sa mga guest na nag-no show.

Paano kung may nasira ang guest sa property ko?

Puwedeng mag-request ang mga may-ari ng villa, apartment, holiday home, at chalet ng damage deposit mula sa guest. Pambayad sa posibleng masira ang deposit, at paraan din ito para matiyak ng accommodation na magiging maingat ang guest. Maaaring sakop naman ng insurance ang ibang uri ng property.