Kapag nakapagparehistro ka na sa amin, maaari kang mag-update kahit kailan. Halimbawa, gusto mong magdagdag ng bagong pasilidad sa iyong property o maglagay ng mas maraming detalye tungkol sa iyong lokasyon, maaari mo itong gawin sa oras na iyong naisin.
Pagkatapos mong mag-sign up, maaari ka nang mag-upload ng larawan para sa iyong property. Mahilig tumingin ang mga guest ng larawan habang naghahanap ng accommodation kaya napakahalagang maglagay nito. Inirerekomenda naming mag-upload ng loob at labas na larawan ng iyong property. Hindi kinakailangan na kuha ito ng propesyunal na photographer, sapat na ang isang smartphone para maipakita sa iyong guest ang kagandahan ng iyong property.
Pagkatapos mong mag-register, puwede mo nang buksan ang iyong property sa mga booking sa aming website. Maaari naming i-verify ang iyong property bago ka magsimulang tumanggap ng mga booking, pero puwede mong gamitin ang panahong ito para mas malaman ang aming extranet at maging handa ka sa mga una mong guest.
Kailangang magbigay ng komisyon sa bawat booking na makukuha kapag naidagdag na ang property sa Booking.com. Makikita ang porsiyento ng komisyon sa 'Agreement' na bahagi ng registration process. At sa bawat katapusan ng buwan, papadalhan ka namin ng invoice na naglalaman ng halaga ng komisyon na iyong babayaran.
Ikaw ang bahala! Puwede mong hayaang mag-book kaagad ang mga guest para hindi ka na magko-confirm ng anumang booking o puwede mong i-require ang mga guest na mag-request na i-book ang iyong property.
Dalawang bagay ang maaaring mangyari kapag nag-cancel ang bisita ng kanyang reservation. Kung may free cancellation policy ang iyong property, walang babayaran ang bisita kahit i-cancel nya ang booking. Kung walang free cancellation policy ang iyong property, kailangang magbayad ng bisita ng cancellation fee, at mula rito kukunin ang komisyon na kailangan mong bayaran.
No show? Walang problema. Hindi mo kailangang magbayad ng commission sa mga guest na hindi dumating – bukod na lang kung nag-set up ka ng "no-show charge" sa mga guest mo.
Puwedeng mag-request ang mga may-ari ng accommodation ng damage deposit mula sa guest. Puwedeng gamitin ang mga deposit na pambayad sa anumang posibleng masira ng guest, at paraan din ito para matiyak na magiging maingat ang guest sa accommodation mo. Kung may mangyari man na hindi maganda, puwede itong i-report sa aming team gamit ang aming misconduct reporting feature.